MIGRASYON


                      MIGRASYON

Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.

karaniwang dahilan ng pag-alis:

1. Mas mataas na sahod at kita sa ibang bansa
2. Mataas na bilang ng walang trabaho sa Pilipinas
3. Hindi matatag na kalagayang pang-ekonomiya ng bansa.
4. Panghihikayat ng pamilya at kaibigan
5. Mapabuti ang karera at makilala sa kanyang larangan sa buong mundo.
6. Diskriminasyon sa paghahanap ng trabaho sa bansa.
7. Oportunidad na makapunta at maranasan ang buhay sa ibang bansa
8. Pagsuporta ng pamahalaan sa mga OFWs
9. Kawalan ng suporta ng publiko para sa mga lokal na namumuhunan.
10.Personal na pangarap mula pagkabata
11.Ito ang in-demand sa kasalukuyan


 MGA ISYUNG KALAKIP NG MIGRASYON


Forced Labor, Human Trafficking and Slavery

Maraming pangyayari ang nagaganap sa usapin ng migrasyon. Ang forced labor, human trafficking at slavery ang ilan sa hindi magandang epekto nito. Nakararanas ang mga manggagawa ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso tulad ng hindi pagtanggap ng sahod, hindi pagkain, kinukulong sa bahay ng amo, pagbibigay ng sobrang trabaho at pang-aabusong sekswal. Madami ang nasasadlak sa sapilitang pagtatrabaho, nagiging biktima ng trafficking at mala-aliping kalagayan sa kagustuhang mabigyan ng maayos na buhay ang kanilang pamilya

Pag-angkop sa pamantayang internasyunal

Dulot ng globalisasyon, nagbabago din ang pamantayang internasyonal. Ilan dito ay mga kasunduan ng iba’t ibang bansa at samahang internasyonal.


Bologna Accord – Nilagdaan ng mga Ministro ng Edukasyon mula sa 29 na mga bansa sa Europa. Ito ay naglalayong iakma ang kurikulum ng bawat isa upang ang nakapagtapos ng kurso sa isang bansa ay madaling 10 matanggap sa mga bansang nakalagda dito. Dahil sa kasunduang ito, mabilis na naiakma ang kurikulum sa pagbabago na hinihingi ng industriya at sa mabilis na pagdami ng mga migrante (manggagawa o propesyunal)

Washington Accord - Isang internasyonal na kasunduan ukol sa akreditasyon para sa engineering degree programs ng mga kasaping bansa. Ito ay itinatag noong 1989 at nilagdaan ng mga bansa tulad ng Australia, Canada, Taiwan, Pakistan, China, Hong Kong, India, Ireland, Japan, Korea, Malaysia, New Zealand, Russia, Singapore, South Africa, Sri Lanka, Turkey, United Kingdom, Philippines at USA.

K to 12 – Ipinatupad ito sa ating bansa bilang tugon ng pamahalaan na naglalayong iakma ang sistema ng ating edukasyon sa ibang bansa upang matugunan ang mababang kalidad ng edukasyon at kawalan ng trabaho.

Epekto ng Migrasyon

Sa mga isyung kalakip ng migrasyon, madalas na napagtutuunan ng pansin ang mga negatibo at positibong epekto nito sa lipunan na ating kinabibilangan. Ilan lamang dito ang mga sumusunod:

Ekonomiya 

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, malaki ang naitutulong ng remittances ng mga OFW’s sa paglago ng ekonomiya ng ating bansa

r
Kaligtasan at Karapatang Pantao

Nagkakaroon ng direktang epekto ang migrasyon sa kaligtasan at karapatan ng mga migranteng Pilipino. Halimbawa nito ay ang pang-aabuso ng mga recruitment agency tulad ng illegal recruitment na talamak sa ating bansa habang may mga nagiging biktima ng international syndicate o organized crime syndicate.


Edukasyon

Nabibigyan ang mga mag-aaral ng mas may kalidad na edukasyon dulot ng mga pagbabago sa ating kurikulum. Katulad na lamang ng K to 12 na ipinatupad sa ating bansa upang matugunan ang mababang kalidad ng edukasyon, kawalan ng trabaho at sa paniniwalang ito ang sagot upang ang mga Pilipino ay makasabay sa mga mauunlad na mga bansa.
Multiculturalism

Isang paniniwala na ang iba’t ibang lahi at kultura ay maaaring magsama nang payapa at pantay-pantay sa isang lugar o bansa

Pagbabago ng Populasyon sa Bansa

Maaaring mabawasan ang bilang ng tao sa ating bansa dahil sa pagdami ng mga Pilipino na mas pinipiling magtrabaho sa ibang bansa

Brain Drain

Isa ito sa malaking problema ng ating bansa. Tumutukoy ito sa pag-alis ng mga propesyunal na manggagawang Pilipino para magtrabaho sa ibang bansa. Sa Pilipinas, halimbawa, maraming propesyunal tulad ng doctor, guro, nurse, inhinyero, at mga eksperto sa larangan ng Information Technology, Mathematics, Chemistry at Physics ang nangingibang bansa. Magandang oportunidad, sahod at benepisyo ang nag-uudyok sa kanila upang ibigay ang kanilang serbisyo sa mga dayuhan. Ngunit nawawala ang oportunidad ng ating bansa na palaguin o paunlarin ito dahil sa pagkawala ng mga manggagawang may mga kasanayan.


Mga Mabuti at Di Mabuting Dulot ng Migrasyon

Mabuting epekto ng migrasyon:

• Pagbubukas ng maraming oportunidad para sa mga Pilipinong manggagawa
• Pagtaas ng ekonomiya dahil sa pagpapadala ng maraming Pilipino ng remittance
• Pag-unlad sa kabuhayan ng maraming pamilyang Pilipino
• Pagkakaroon ng maraming Pilipino ng pagkakataon na makabisita sa ibang bansa at malaman ang mga banyagang kultura at tradisyon
• Pagkahasa ng maraming Pilipino sa kanilang trabaho sa tulong ng mga training at seminar sa ibang bansa

Masamang epekto ng migrasyon:

• Brain drain o pagkaubos ng mga propesyonal sa Pilipinas
• Pagkakawatak-watak ng pamilyang Pilipino
• Pang-aabuso sa mga Pilipino ng kanilang mga amo
• Pagkaranas ng racism mula sa mga ibang lahi
• Maraming Pilipino ang walang karanasan sa kultura at tradisyon ng ibang bansa kaya naman napapahamak ang ilan sa kanila

                Araling Panlipunan 10
                GAWAIN 2: My Blog

by: VENICE T. GAMMAD
Section: Environmentalist